Saturday, December 30, 2017

Mobile legends In Another World

True Story (Mobile legends: Survival) 
Genre : Psychological, Thriller, Game

Plot : Isang pangkaraniwang Estudyante ang napadpad sa puno ng Misteryo at labanan na Daigdig. Nagising nalang si Reymond at Napunta sa ibang Mundo, na tinatawag na Mobile legends.


Prologue:

"Welcome to mobile legends!"
Pagkagising ko, may babaeng Nag-aanounce na parang presidente, dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, para tignan kung sinong sumisigaw, At teka Biglang nagiba ang Nakikita ko, wala ako sa bahay,  nagtataka ako kung anong nangyayari, Parang nasa Vigan ako, at napabulong ako sa sarili ko "Anong ginagawa ko dito?" Teka andaming chix, Napasipol nalang ako nang hindi inaakala, At para mas malakas pa ang magagawa kong sipol, naisip kong gamitin ang kamay ko At pagkaangat ko ng mga daliri ko papunta sa bunganga ko, Gulat kong nasabi "Bakit biglang lumaki ang mga muscles ko?" 

Kinakabahan ako sa mga nangyayari, kaya para makasiguro, Lumakad ako papunta sa Ilog para magsalamin, kakaiba ang lugar na 'to, Parang gubat, tapos anlalaki ng damo... at sa pagkalipas nang ilang minuto, sa wakas nakarating na ko sa ilog , Dahan dahan kong sinilip ang pagmumukha ko... Pagkapatak ng pawis ko sa Lupa, napalunok ako at sumigaw sa gulat

"WaaaaAAAAHHH!" " bakit mukha akong halimaw?", medyo napapaluha na ko at naliligo ng pawis na parang nahuli ni papa sa Cr, at sa sandali lang may Naririnig akong tunog "Psst" "Psst" Parang may multong tumatawag sakin, Parang Naghahamon nang suntukan, "Psst" Psst" Palakas ng palakas yung pagtawag saken, Pinagpapawisan akong lumingon, Kakaiba ang nakita ko, "Teka Kinukuha na ko ni Lord, Masyado ba kong mabait?" Pagka Silip ko Kulay Bughay, Sinlaki ni junior kapag naka Titan gel, Dahan dahan kong tinitignan mula Paa hanggang sa ulo at kasunod nito parang may naririnig akong boses sa malayo "Balmond!" "Balmond!" 

Dahan dahan kong naririnig na nag mumula sa bandang kaliwa nitong kagubatan na 'to, "Balmond!" parang dalaga ang tunog ng boses na tumatawag, medyo Hingal na hingal, at naririnig kong palapit na ang mga hakbang nya papunta rito saken, at napaisip ako, Sinong Balmond? Baka ako yung tinatawag, at Napatanong ako sa sarili ko "Teka Si Reymond ako, hindi si Balmond, Teka, anong nangyayari? at Sino kaya 'tong Bastos na babaeng 'to?" 


- To be continued -

Friday, December 29, 2017

Top 3 Strategies to win

The Evolution Of Strategy (Mobile legends Realization) #Top3
"Plan ahead, with great execution." 
- Japanese Prime Minister Shinzo Abe

(With no Particular order)
#1 - All Mage, just one hitter -
(Op: Burst Damage)
Psychological Effect : Guard Down
Reality Effect : Anti - Fighter
Kahinaan : Hilda (Others with the same traits.)

Unang-una, Kailangan nyo nang 4 mage at isang MM (Marksman), Teka... Pero bakit wala namang Tank o fighter? At isa pa, Bakit MM? Ok, Guys, Ang goal nang Line up na 'to ay ang pakawalan ang isang potensyal na tinatawag na Burst damage, So Isa lang ang ibig sabihin nito, Ang rason kung bakit di na kailangan ng tank o fighter, Ay kaya na nang 4 mage Wasakin ang buong Team na naglalaman ng 2 to 3 Fighter or 2 Assassin + 1 fighter...

No need na nang Tank kase, Para lang ganito yun guys, Para kang magpapasabog ng isang Nuclear bomb sa Harapan nila, kaya ano pa ang kinalabasan? At ang sagot naman kung bakit may Extra MM, ang halaga ng role nito ay ang pag-Push (Napaka-Obvious naman di ba?). Ngayon, Pano' Naman Iexecute ang Stratehiyang ito?

Step 1 - 2 Mage sa Bot and Top Lane,
Tapos MM ang Mid.
Gamit ang 2 mage sa magkabilaan, kaya nitong Baugin ang kalaban sa kahit anomang oras.
Step 2 - 7 Mins All Mid. Makakatulong kung napush na nang MM ang mid.
Step 3 - End
Pero pano' kung May nag sesegway?, Split up then All mid ulit, Pano kung Namatay ang MM samin sa Huling clash? Retreat then Regroup... At isa pa Kung Na dominate na ang kalaban o Na Mobilize na ang Mid, pwede kayong mag Lord... Oo pramis, kaya ng Mage mag Lord.

Note: "Pag bobo MM, bobo lahat."
- Sya nga pala, Napaka-Ironic na Anti-fighter ang Strat na 'to, pero kahinaan si Hilda. -

#2 - Akai with Fighters -
(Op: Qiqil)
Psychological Effect : Stress
Reality Effect : Disable and Con. Damage at the same time.
Kahinaan : Saber (Others with the same traits.)

Nabuo ang stratehiyang ito, sa kadahilanang Nasasayang ng Mage O assassin ang Oras pag nag simula nang mag Ulti Si Akai... Kung Iisipin nyong mabuti Di ba't parang NapakaEpektib ng Fighter tuwing may nadidisable? Meron tayong Zilong para Ipaliwanag ang lahat. At Isa pa, Kapag tumatalsik ang kalaban, Kayang kaya ng Fighter makipag-sabayahan o habulin at tirisin ang mga tumatalsik na kalaban, Hindi tulad ng mage na may Average CD, tapos wala nang kwenta pag wala nang skill.

Ngayon, Pano' Iexecute? Basic lang, Usual laning and Gameplay. 
Note : Wala akong Sinabing 4 Fighters.

#3 - The Ultimate Darkness -
(Op: Trahedya)
Psychological Effect : Confuse, Delayed Reaction Time
Reality Effect : Anti - Clash

So, Hindi naman talaga 'to Stratehiya, Mas mukhang taktika ang galawang 'to guys, Pero anyways, napaka-epektibo ng Galawang 'to, Pag dating sa Harvest time, Pero sa Oras ng teamfight... Unang-una Kailangang I-pick nyo si Pharsa at Helcurt. Ang combination key ay Dapat I-navigate mo kung Location at posisyon ng kalaban, Tignan mo kung may clash na magaganap then kung meron nga, I command mo si Helcurt para padilimin ang buong laro then Follow up Ulti ni Fasha, Matataranta ang kalaban nyo pramis at hindi na sila mag iengage, pero bakit? Kase guys kung Aatake sila, mas lalo silang madudurog, Ngayon kung Mag Ri-retreat sila, Kawawa sila sa Fighter, Nagkakaroon ng Dilemma at nawawala ang Desicion making sa loob ng ilang segundo.

- Important Note -
May kanya-kanyang kahinaan ang stratehiya pero pag naumpisahan mong I-counter ikaw parin ang tatawa sa bandang huli.

Monday, December 25, 2017

Fanny (Assassin)

Fanny - The Ultimate Realization and Guide - 
"Once you've commited, you will never get back."
- Dr. Robert Cialdini (From The Psychology of Persuasion)

First Time kong Ibuhos lahat ng effort at enerhiya ko para lang sa isang tutorial, kaya guys Dahil sa Over 8k views na ginawa nyo sa blog ko, para sa inyo 'to... At Isang paalala, Wag na wag nyong I cocopy paste 'tong Article na 'to without my permission, kase bawal yan guys, Pamilyar naman yata kayo sa COPYRIGHT LAW, pero kahit wala yan, Matuto kang magbigay Ng CREDITS at REFERENCE, wag yung ctto lang kundi may Reference (Ilink nyo mismo ang blog o isulat ang name ko) maliwanag?

- Basics -
Cable (Realization)
  • The Triangle Principle 

Ang 2 Cable, Ito yung pinaka-Key para magawa mo ang Iba't ibang Cable tricks, Like L and S o 3 or more cables. Bago mo magamit si Fanny kase, kailangan mo munang alamin ang Prinsipyo kung pano sya gumagana, at magsimula sa pinaka-una para handa ka na sa mas madugo pang Steps for example : Sa math, Kailangan mo munang aralin ang arithmetic means (Addition,Subtraction,Multiply,Division), pagkatapos magsisimula mo nang aralin ang Algebra, Geometry, Calculus, Statistics etc.) So ganyan yan guys...
Ngayong na Obserbahan mo na nang mabuti ang Image na nag Iimplicate sa Triangle Principle, Ito nman ang next,
Ang 3 Cable, O mas magandang sabihin na L way, Kung mapapansin mo sa mapa, Madaming L shapes dyan na daan, For example :

Isa pa -


3 Cable (Triangle Principle)
- How to Kill - 

Unang-una, ang "Prey Mark", Kung nakikita nyo dyan sa picture, o Eto nalang, 


Na aaply yan sa kalaban, pag nadaanan mo sila ng Cable mo, At nag iistack yan ng dalawang beses. Ngayon, pag nagawa mo yan, Mapapansin mong Lumaki ang damage ng Ulti ni Fanny, So basically guys, ang combo nya ay (2,2,3,1) at pwede nang kumitil ng buhay sa ganyang kaiksing oras... 

Pangalawa, Ang Spam tactic, Ito yung, Tatadtarin mo ng Cable ang kalaban sa pader, (2,2,2,2,2) 

Step 1 - I Navigate ang kalaban kung nasa tabi ng pader.
Step 2 - Mag Cable palapit sa kalaban, then Ikasa ang cable sa mukha nya sa tapat ng pader (2222) pero paano? 

Same principle ng tactic kay miya, Yung Back hit back hit back hit, Ngayon kay Fanny, Back Cable, Back cable, Sa mabilis na paraan. 

Pero Guys Na nerf na ang taktikang yan, Kapag na miss mo ang isang cable (Hindi tumama sa mukha ng kalaban) Ubos ang energy mo pramis, tapos ikaw ang mamamatay, dahil lalakad ka nalang pabalik o hihit kanalang sa kanya ng napipilitan, pero pero gayunpaman, Damage based na tayo pag dating sa taktikang yan, Mag aadjust tayo para magawa natin ang tactic na yan, Oo tama ka, Magiging effective ulit ang Spam Kapag nakabuo ka na nang Damage Item, Kase ganito ang mangyayari, (2 = 600damage) kahit tatlong beses mo lang I 2nd skill ang kalaban, Tulog na yan.

Sya nga pala, Hindi mabubuo ang mga yan na wala ang Item build.
(This is from Official Zxuan Youtube channel Description.)
May 3 main Items si Fanny sa Simula yun ay ang
  • Nimble Blade/Raptor Machete

  • BloodLust Axe

  • Rose Gold Meteor

Unang-una palang, Dapat Jungle Item na talaga yan si Fanny pero bakit? Para maka-ipon... Next Pag nabuo mo na ang BloodLust axe, pwede ka nang pumatay gaya ng sabi ko kanina, Kase magkakaroon ka ng 20% Spell vamp sa Item na 'to, Ibig kong sabihin kada Cable mo may dagdag na buhay, o sa madaling salita Nagla-lifesteal ka gamit ang skill mo, Kaya kahit makatanggap ka ng damage mula sa hit nila habang nagke-cable, Nagkakaroon ka naman ng buhay. Tapos ang Rose Meteor gold o Inupgrade na Magic Blade, Tataas ang survivality at durabilty mo habang nagke-cable cable nang pabalik-balik.

Syempre Bahala ka na sa Ibang Item, 
  • Deadly Blade

Pwede rin 'to para makamit mo ang potensyal ng isang Damage dealer.
  • Blade of Despair

"Mas Masakit, Mas Epektib."

  • Blade Armor or Athena's Shield
 


Depende naman sa Sitwasyon, Kung Mas maraming AD (Attack Damage), Blade armor ang item mo, Kung maraming AP (Ability Power), Go for Athena's Shield.

Pangatlo, 
Paano Pumatay sa Clash? 
Una mong gagawin, I-navigate mo kung may Disabler sa kalaban, Stun, Knockup...etc).
Syempre, Isa na dyan si Zilong, Franco, Nana, Saber... I take note mo ang ganyang mga kalban, Ngayon pag may nakalaban ka ngang ganyan, Mag quit ka na, Hahah joke... Ok, Isa sa mga pinaka-kailangan mong gawin ay ang Durability at Burst Damage, next dyan ang Timing, wag na wag kang Mauunang susugod or else wala pang isang segundo, Knock-out ka na.
Ngayon, ang durability, Lahat ng players alam na yata 'to, Ang Pag-Iipon, mamamaximize ang potensyal ng isang hero kapag may Gamit at nasa Pinaka-mataas na Gold, 


Mas malakas ang item, mas Matibay at masakit sa clash, Kaya kahit Accidentally kang na Disable, kaya mong tiisin, Then balik ulit sa pag Ke cable, 


At teka Isang napaka-kritikal na paalala, Dapat Palaging hawak mo ang Blue buff, kase Buff dependent yan si fanny, Madaling maubusan yan ng energy kapag walang buff, "Walang Buff, walang kwenta."

At panghuli, Paano mag-ipon ng todo,
Best spell - 


Retribution, No further Explanation kase Obvious naman.

Jungling -
Common sense na 'to guys, Pero ang hindi, ay yung Makukuha mo ang minions wave pagkatapos mo mag farm, 


Ayan ang picture, Gamit ang cable at Pose na yan, Then syempre I Cable mo pa isang beses dyan sa damuhan , Maaabot mo ang buong wave ng minions... Kaya guys Gamitin mo nyo lang ang cable, para mabilis kang mapunta sa destinasyon at para makuha mo ang buong gold ng mapa. 

Overall, Ang gagawin mo lang talaga ay, Mag Ipon sa simula, bumuo ng item, Pumatay kung may chance, Then mag savage pag ikaw na ang may pinaka malaking gold sa lahat, 12k compare to 5k gold ng iba.

Exit na ko guys, dahil kaya nyo nang mag eksperimento gamit ang mga karunungan na sinabi ko, As always Thank you at Merry Christmas sa lahat!

Thursday, December 21, 2017

Top 4 Unique Items

Top 4 Unique Items - Realization - 
"You see, but you do not observe."
-Sherlock Holmes


Isa sa mga Main feature ng Moba ay ang Item, Ito yung Nagbibigay ng buff sa bawat hero, Kung walang item, Walang kwenta ang Moba, kaya napaka-crucial nito guys, Ok simulan na natin.

Dahil Naka-Tagalog yung MLBB ko, pagpasensyahan nyo na yung mga names. 


In no particular Order :
(Atake)
Karit ng Kaagnasan 


Ang pangunahing atake mo ay mayroong 50% na tsansa na pabagalin ang target mong kalaban ng 35%.
Napaka-Epektib nito pag dating sa mga marksman champion tulad ni layla, Isa na dyan ang range kung bakit, Obvious naman di ba?, Pero bakit pangit sa melee ang Item na 'to? Masasayang lang kase ang slot mo dito, mas worth it na Kumuha ka nalang ng mga Pure damage build, kase meron namang Weaken spell Or just Ignore this item, Slow lang naman maganda dito at napakababa ng 35%. Pero gayunpaman, Maganda parin ang Karit ng kaagnasan kung nagswiswitch ka From Tank to Semi, kase hindi lang damage at slow ang Item na 'to kundi, plus 300HP pa.

(Salamangka)
-Kwintas ng Durance

Ang pinsalang nagagawa mo sa kalaban ay magkakaroon ng pagbawas sa regeneration ng 50% sa loob ng tatlong segundo. Sobrang Useful nito guys kapag Ipinartner sa attack Speed. Pero ang tanong, Hindi ba't Magic Item 'to? Oo, pero pwede rin Pumatong sa Physical damage, ayon sa description, Any damage, kase hindi naman naka-specific kung magic/Physical damage lang ang pwede, di tulad ng ibang item na Pang Magic damage lang talaga ang epekto.

(Depensa)
-Yelo ng pangingibabaw

Ang epekto nito ay bumabawas sa kalaban ng 5% sa galaw, at 30% sa bilis ng atake. Ito naman ang magandang I-aytem sa Tank, Pero Optional lamang 'to, Depende sa sitwasyon kung maraming Hitter, Pero di na masama kase may tulong ka sa team bilang support lang.

(Paggalaw)
- Pangsalamangkerong bota

Nagbibigay ng 80 na ginto kapag naka-tanggap ng assist.
Update - Na-nerf na, From 80gold to 50gold nalang. Magandang Gawing item 'to kay Ruby, Chou o sa mga Support bilang Crowd control lang naman sila magaling, Kailangan rin kase nilang humabol sa item kahit papaano.
So, guys... Ngayong naintindihan nyo na ang apat na item na yan, Simulan nyo nang intindihin ang bawat Item, wag balewalain, Di porket nakita mo na, ibig sabihin alam mo na. Wag kalimutan, Sa obserbasyon nanggagaling ang tunay na kaalaman.

Wednesday, December 20, 2017

The Psychology of ML

- The Psychology Of Mobile Legends -
"Character is who you are under pressure, not who you are when everything's fine."

Sa mga nagtataka kung bakit hindi sila nagrarank up, O na-sumpa sa tier nila, Akyat baba akyat baba yung laro tapos Ang pinaka-masakit pa ay yung palaglag ka na sa division (No star).

Ngayon, Ano ba ang nangyayari bakit hindi tayo maka-rank up? Hindi ba kayo nagtataka? Dun sa may mga Smurf/2nd account na Legend/Mythic sa katotohanan, hindi nata-traffic sa Pag rank up... Ibig sabihin nun, Nahasa na sila sa mga bawat games, Kaya hindi sikreto ang pag-rank up kundi napagdadaanan... Pero ano nga ba ang dahilan kung paano sila natuto?

Isa lang naman talaga ang sagot sa lahat, Ang EMOSYON. Kung I-vivisualize natin kung ang tao ay walang emosyon, Dati na tayong mayaman, Dati na tayong Successful, Dati na tayong Mythic, Kase Kalkulado natin ang lahat, Walang Instinct, Walang Perception, Walang Biased Judgement... Hindi ba't Computer o robot lang ang ganito? hahaha Tama ka, Pero meron tayong tinatawag na Amygdala (Shown to play a key role in the processsing of emotions, the amygdala forms part of the limbic system.) na kaya nating I hold ang Emosyon pagkatapos ng 6 secs, at makabalik sa Rasyonal na pag iisip, o Hindi Isip batang pag iisip. Madalas Kung bakit tayo nagiging Vovo player, Bano, Bugok, Kase di natin Hinohold ang emosyon, At pinapakawala natin.
For Example :
Ang ka-greedihan -
Yung Feeling na nakakita kalang ng Low HP sa turret, susugudin mo na.

Nawawala ang Facts na, Mas maraming gold na makukuha ang kalaban dahil meron kang streak, Isa pa, kahit naman mapatay mo yun, eh patay karin naman, (Syempre baka makasurvive kapa, Pero Napaka-RISKY pre.) At ang Kinalabasan Pantay lang nman, Parang Chess lang yan eh, Pag kinain mo yung Pawn, kakain karin ng pawn, Sacrifice pero both lang naman ang resulta at walang mawawala.

Ang Pinupunto ko, Isipin mo muna ang bawat galaw mo, kase merong mga consequences yan. Kung Umapoy ang emosyon mo, Pigilan mo agad kase meron tayong abilidad para pigilan yan.

Pwede tayong matuto sa karanasan pero pwede rin naman sa rason lamang, Matagal na ata 'tong debate sa Philosophy (Rationalism Vs. Empiricism). Nakalimutan ko kung sinong philosopher yung nagsanib ng dalawang konsepto na yan, Basically, Matuto at magrason...

Kada Laban mo, Alamin mo ang mga bawat pagkakamaling nagagawa mo, Wag na wag mong I ignore yan.

Lastly, Kapag nasa Sitwasyon ka na na lahat nag iisip ng tama sa laro mo, Maghanap ka na nang squad. Pero gayunpaman, I enjoy mo ang tabla tabla na score at mainit na laban.

Helcurt (Assassin)


Helcurt - Layla na gumagapang -
(The Complete Realization)
"Take note of what’s around you. Take note of how or why it affects you, you’d be surprised at the difference it can make to the quality of your life and your decisions."
From Bigthink.com

Paano ba gamitin si Helcurt na ayon sa Skills at traits nya?
Si Helcurt kase yung may Innate skill na kayang takpan ang sense mo, kaya nyang apektuhan ang map awareness ng isang tao. Pero ano ba ang sense? Yan yung, You see, you hear etc.)
Ang Sense kase ng isang tao guys ay napaka-importante hindi lang sa moba kundi sa desisyon rin natin sa buhay, "To see it, To believe." ika nga. So paano pag nawala ang sense natin? Mawawala ang kakayahan nating mangolekta ng facts (Observation).

Base sa mga Katotohanang nilahad ko, Mapapa-isip kayo na, Tungkol pala sa Sense ang Ulti ni Helcurt. Pero kailan ba natin I eexecute ng tama ang Ulti ni Helcurt?
Bago yan, sasabihin ko muna ang isang Taktika kung kailan mawawala ang Obserbasyon ng bawat player, Lahat ng Split pusher alam na yata 'to...

Ito yung magpupush ka mag-isa habang yung apat na kakampi mo ay nakikipagclash. Tama guys, Ang Distraction, mawawala ang kakayahan ng isang tao magfocus sa obserbasyon kapag nadidistract. Ngayon, Meron na tayong dalawang taktika para mambulag, hindi lang pambulag sa mata mo, kundi pambulag rin ng isip.
Pero Paano nakakabulag ng sense ang Ulti ni Helcurt? Kung Moba player kayo alam nyo ang mga katagang



"FIRST BLOOD" "LEGENDARY" "--- Destroyed the turret."
Yan yung mga Indicator na may nangyari, Kung wala yan, hindi tayo makaka-buo ng Judgement kung ano ba talagang nangyari. Tama ka, Kaya ni helcurt Walain yan, Hindi ko alam kung Bug sa ML yan o hindi , pero gayunpaman, Sobrang epektib nyang taktika na yan guys, Pag walang Facts, Walang judgement, pag walang judgement, Walang Nangyari.

Nabubuo na ba sa Isip nyo kung paano ang strategy na tinutukoy ko? Kung hindi pa, Basahin nyo lang 'to...
Gamit ang distraction, wag ka munang Mag ulti, I clear mo lang ang wave ng minions, Ngayon pag natapos na ang distraction, Mag ULTI ka na, Then TURRET DOWN (Secured).

Isa pa, Meron yung, Moment na, Walang pake sayo yung kalaban habang pinupush mo yung 1st turret, kase Sa isip nila hindi big deal yang pinupush mo, saka lang sila gagawa ng aksyon pag nasa 2nd turret kana... Ngayon ang bubulagin mo yung aksyon nila, Pag Low HP na yung turret at pa down na,  MAG ULTI ka na, Para mawala yung Indicator o Balita na Napush mo na yung turret (Has destroyed the turret), So ibig sabihin nyan, magkakaroon ka ng chance na magpush ulit, Bale 2 turret ang na Destroy mo. Di ba ansaya?

Ngayon, Guide naman tayo kung paano gamitin si Helcurt habang di mo pa ginagamit ang planong yan.

So syempre,
Best Spell - Arrival

Bakit Arrival? Twing nakakakita ka ng chance para gawin ang plano mo, agad mong magagawa, Easy Map control, di ba?

Best Item,

- Magic Boots
- Deadly Blade

Gamit ang 10% CD reduction ng magic boots, ba baba ng 9 Secs ang CD ng Ulti ni helcurt, From 60 to 51secs, Make sense sa plano.

So, Paano sya sa laning at rotation?
Early Game -
Una palang dapat, alam mo na ang PLAY SAFE, at mga syansa kung kailan ka mag se-second skill,
Ito yung, Punuin mo yung Karmot indicator, Saka mo I cast sa kalaban, pag katapos back agad, O first skill pa balik sa turret mo.
Mid Game -
Farming, Habang wala pang syansa, Farm ka sa jungle, O maki-Gank muna,
Combo,  Hit ka muna ng jungle monster, pag napuno na indicator, Ulti, jump sa kalaban sabay Second, So yun lang... Wag mong kalimutan ang Plano, para matapos agad ang game.

Victory!


Sunday, December 17, 2017

Alice (Mage)

Alice - Killing you softly -
"Just because you used to it, doesn't mean It doesn"t hurt anymore."

(The Complete Realization)

Sino ba si Alice? Oo, Sya yung napag-Iwanan ng panahon, Kahit Meta ang mage nitong nakaraang buwan, Matumal talaga syang I-pick... pero bakit kaya?

Syempre alam ng tao na mas masayang gamitin sila Kagura, Cyclops, Aurora etc.) Burst damage kase ang usapan, napanahon namang hindi Burst damage si Alice, kundi Continious Damage.

So, San kaya effective si alice? Ok, Bago yan, Ika-klaro lang natin na ang Continious damage ay parang MM din dahil sa DPS (Damage per second) pero ang maganda kay Alice, Hindi lang Continious damage kundi Crowd Control rin, Kaya ang prinsipyong mabubuo dito ay "Mas matagal, Mas masarap.", Ganyan si Alice, Matutunaw ka paunti-unti, Kala mo walang damage ang Ulti nya pero meron kapag tumagal, bit by bit damage. Napaka-epektib nya sa Teamfight, Dumudurog yan, Hindi nyo lang napapansin kase, Si karina ang nakita nyong naka-slain.

Best Spell - Petrify
Bakit Petrify? Kilala yan si Alice dahil sa Combination ng Skill, at Mid Mechanics. Mas lalo pang maFofocus ang Crowd Control skill nya pag nilagyan ng Petrify,
1st skill, Transfer, 2nd skill, Ulti+Petrify.
Ngayon, Pano' si Alice sa Laning?

Early Game -
Kailangan mo ng dalawang Magic Necklace para ma sustain ang mana supply mo, kase kailangan mong I-spam yang 1st skill nya sa Wave ng creeps at kalaban at the same time... Magandang I build mo rin yung Hammer na kulay dilaw (Nakalimutan ko na name), Nasa Description ang dahilan.
Mid game -
Gank, Gank, O sama ka sa Ka teammates mo palagi, Dumurog kayo ng kalaban, Meron ka nang 2 or 3 item dito sa oras na 'to.
Late Game -
Same lang sa Mid, yun nga lang More on Clash na dito, hindi na yan mapipigilan, Pero dyan malakas si alice sa teamfight.

- Important Note -
Gamitin mo lang si Alice kung may gameplan o kung may cooperation ang teammates, wag na wag mong gagamitin si Alice sa mga banong kasama.

Kung meron pa kayong nalalaman kay Alice, Paki-Comment nalang at Ipaintindi sa Iba. Thank you (y)

Chou (Fighter)

Chou - God Of Immune -
"We can evade reality, but we cannot evade the consequences of evading reality."
-Ayn Rand

Author's Note :
Bago ko simulan, ang aim ng post na 'to ay Ipakita O Ipa-realize sa iba na Si chou ay hindi tinatablahan ng most of damage na ipinipinsala sa kanya. Kung Naghahanap kayo ng stratehiya tulad nang, Support si Chou, Semi-tank si chou, maganda sa Trilane si Chou, Sa solo, sa teamfight, at sa push, Wala lahat yan sa post na 'to, Kung maliwanag na, Simulan na natin.

Hindi pinapansin ng Iba si chou, dahil mistulang napaka-hina ng damage nya, Kumpara sa ibang Fighter na tulad nila Zilong, Argus, Hilda...etc.) So, San ba malakas si Chou kung hindi ikukumpara?
Crowd Control guys, Isa sa viable pick si Chou pagdating mo sa Legend and Up... Sa mga Gm,Epic palang dyan, Siguro nakakatagpo narin kayo ng Chou, pero Bugok.

Kung sa Crowd Control, Ibig sabihin maganda sya sa Trilane strategy, Oo tama ka... Pero hindi yan ang ieexplain ko kundi ang Second Ability nya. Pero amg tanong, Ano bang espesyal sa Second skill nya?

Tulad ng sabi ko kanina, Hindi sya tinatablahan sa kahit anong damage, basta ma execute mo lang ng tama ang pag cast, Siguro parang .5 o 1 sec lang ang epekto ng Immune na 'to, kaya Napaka-Kritikal ng Timing. Kung mapapansin mo yung mga Pro Chou, Para silang Dyos sa pag Immune...Ang kaso kase dyan, ay dapat Kabisado mo ang bawat skill ng lahat ng hero, Kunwari, I hu-hook ka ni Franco, I da dash mo ang 2nd skill ni Chou palayo, meron din naman yung ibang Damage na dapat I immune mo palapit o Dash palapit tulad ng Ulti ni Layla.

Kung nais nyo pang malaman kung pano I immune ang mga iba't ibang skill ng kalaban, pwde kang magsanay sa Custom o classic, meron din namn yata yan sa Youtube. Sa mga talented naman na tao sa Pag dash ng Skill ni Chou na kakagamit lang, Pagpatuloy mo yan, kase meron kang potensyal mag lead ng trilane.

Pero Ano ba ang disadvantage ng lahat ng 'to, kahit sa pag laro mo ng mobile legends?

Ano bang mangyayari kapag naglalaro kayo? Sana walang masaktan kase, kase this is just an advice...Ibig kong sabihin, I-maintain nyo parin ang outside world, kase nawawala na ang abilidad mong makipag-usap sa tao, pero syempre alam ko namang alam na nang iba 'to, at yung iba naman, na-maintain nila, Kaya naman para sa mga tinatamaan nito, saluin nyo ng todo kase,   "We can evade reality, but we cannot evade the consequences of evading reality."

Bane (Fighter)

Bane - The Pusher -
"Persist Until Something Happens."

Unang-Una, Sino ba si bane? bakit di sya gaanong kilala? Binabale-wala ng iba pero hindi nila alam na napaka OP nya pagdating sa Turret pushing. Kung tinatanong nyo kung sino bang hero talaga ang pinaka magandang pang push, Nandidito lang yan (Zhask,Zilong,Miya etc.) Pero Bakit si Bane ang kailangan mong gamitin pag dating sa pagpupush? Kase sya yung Bargain na may dating. 6500BP may bane kana, Isa pa napaka-Useless nya sa Teamfight kung titignan, Kase mas angat ang taktikang pag-Pupush para sakanya, Hindi tulad ni Miya na kailangan talaga sa Clash. Pero paano ba naging magandang gamitin si Bane sa pushing?

best item -

  • Magic boots
  • Malefic Roar

Gamit ang malefic roar, Mas nabubuksan ang potential ni bane sa pagpupush kase pumapatong yan sa Ulti nya...  Kapag Nag Ulti kase Si bane sa Turret, Sabay hinihit nya yan, Secured na agad ang turret. Pero kung titignan sa kabilang banda, Napaka-hina ni bane sa pag clear ng wave, kaya ibig sabihin kailangan nya ng partner, tulad ni Fanny Or hayabusa, Kaya kung susumain Napaka-useless rin pala ni Bane, Oo tama ka dyan... Sya nga pala hindi ko sinabing Hindi rin pwede si bane sa clash, Porsyento kase nyan maging effective sa Teamfight ay napaka baba...

Overall, Hindi kaya ni bane mangontrol ng turret mag isa sa buong mapa, Kaya Ang pinapahiwatig nito, Sa Low rank lang viable pick si bane, Kase Isa na dyan sa low rank ang issue-ng No Cooperation at may sarisariling mundo, So therefore, Malupit si Bane kapag Solo player ka, Madodominate mo ang buong Game.

Pero may isang Disadvantage pa, yan yung tipong Magagank ka, kase naiinis na kalaban mo dahil palagi silang nananakawan ng tore, pero gayunpaman,
P - ersist
U - ntil
S - omething
H - appens

Wag na wag kang titigil, kase ang sense nang tao ay napipigilan ng emosyon, Kaya may time na mabubutas mo rin yang turret nila, hanggang In heap o Mobilization Button.


If you want to ask a question/Suggestion
Contact me on Messenger

Saturday, December 16, 2017

Lolita (Tank)

Lolita - The Greatest Tank after Rework -
"The art of pleasing is the art of decieving."
- Luc De Clapiers

Bakit nga ba mapanlinlang si Lolita? At bakit mas pabor ang iba bilhin si Lancelot at helcurt kaysa kay lolita na worth of 32kBP.

Iisa-isahin ko kung bakit nga ba nakakainis kalaban at napaka OP nya sa Crowd Control at mapanlinlang na stratehiya...
Unang-Una San ba banda magandang gamitin si Lolita?
Napakalawak, Isa na dyan kapag may hinahabol kayo, O tumatakas kayo sa Teamfight, at higit sa lahat ang pag Set ng clash.

Ngayon, bakit nga ba mapanlinlang sya?
Best Spell: Flicker
Bakit Flicker?
Lahat ng players pamilyar na sa ganitong taktika, yung tipong Ififlicker mo Ulti ni Odette, Ififlicker mo hook ni Franco para mas malayo, at syempre parehong prinsipyo yan kay lolita... Ulti + Flicker = Decieving Crowd Control

Pero Paano?
Ito yung sitwasyong Nagfifiesta na kayo sa Clash pagkatapos Biglang bebwelo si Lolita hawak ang mabigat na Martilyo, Meron kaseng Marka ang Ulti nya napa Triangle ang hugis bago nya I full cast para may stun, nagsisimbolo rin nyon na "Umalis ka sa markang 'to kundi madidisable ka." Pero ang kakaiba kay Lolita hindi lang yan ang meron sa marka kundi Mapanlinlang ang markang tatsulok. Kailan? Yun yung I fiflicker mo ang Ulti nya para Umabante o PumaSide, Mapapansin mong Bigla ang Epektong Damage at Stun ay nagiba ng posisyon, Ganyan yan. (Kala mo naka-move on ka na pero, hindi pa pala.)

Sa basic skills nman, tulad nga ng sabi ko kanina napaka-useful ni Lolita pag dating sa habulan at takasan, First skill nya amg binabanggit ko, Dash then Stun, may blink na, May stun pa... Tapos tungkol naman sa takasan, Mapapansin mong kaya nyang I absorve ang mga Range damage gamit yung shield nya (2nd skill) pagkatpos pwede nyang I cast pabalik sayo ang natanggap nyang damage galing sa Shield.
Sa Item naman -
Basic lang 'to,

  • Rapid boots
  • Athena's Shield
  • Tsaka yung armor na may return damage
  • Bahala ka na sa iba

Kung napapansin nyo, Simula nung rework nya, nabago ang trato sa kanya, bakit ganun? parang hindi pansin ng iba? Bakit Si Akai lang ang sikat? Hindi lang mapanlinlang ang nakikita natin tungkol sa pagkatao nya, kundi Mapanlinlang rin ang sarili nating pag-iisip, pero gayunpaman, dyan tayo masaya.


If you want to ask a question/Suggestion
Contact me on Messenger

Layla (Marksman)

Layla is OP (But how?)
"Tahimik sa una, Halimaw sa huli."
-Bob Ong

Paano ba gumagana 'tong si layla, eh best prey sya sa kahit anong hero, Maliban sa Low mobility( Takasan ) Saksakan pa ng kalambutan. Si Layla kase Sya yung Marksman na parang Irithel, Shin, Moskov pero walang damage at pantakas... Paano ba gamitin si Layla?
Mid, Bot, Top doesn't matter, kahit anong lane 'to, ang gagawin mo nga lang Wag kang hihit, Umiskill kalang, skillan mo minions, tapos back agad sa tore, skill ulit back sa tore, ganyan lang...

Best spell : Purify or Flicker (Purify is recommended) Bakit? Dahil po Low mobility sya
ITEM :

  • Boots (normal)
  • Scarlet Phantom
  • Tapos yung critical sunod Blade of despair o deadly blade


Di kailangan ng LifeSteal ni layla sa una, Bubuo ka lang mg lifesteal pag nasa 15Mins na ang laro o level 12 ka na.

Paano sya gumagana sa Clash?
Ok ang pinaka importante dyan ay Positioning tulad ng sa isa kong post na Mythic rules ganun... Wag na wag kang magigreedy, ang trabaho mo bumawas at bumawas sa team fight, Hintayin mong may dalawang Melee (Tank or fighter) na pumasok bago ka bumaril.

Important note :

Early Game : dapat bading ka dito, Farm ka lang ng minions, syempre SS kalang pag may bakbakan pero dapat nasa Safe zone ka palagi, Tore ka lang, Minions then tore (Tower hug)
Mid Game : pag na buo mo na yung Crit at scarlet phantom, Sama sama ka na sa mga nakikiclash o gumagank na kasama mo, Napakaimportante nyan, either KS ka o get the assist, Hit hit kalang, Pumwesto kalang sa likod, Dapat Hinahanap mo ang pwesto mo palagi, kapag medyo lumalapit sayo mga kalaban HANAPIN mo ang safe zone tapos Baril ulit, In case na na knock up ka o istun PURIFY lang.
Late Game : dobleng pag iingat, bakit? Ikaw na ang bumubuhat sa team, Wala nang may kaya kay Layla, Kahit sino pa yan kaya pag namatay ka pa, Wala nang bubuhat.

Tandaan Ang moba ay hindi palakasan kundi Patalinuhan.




If you want to ask a question/Suggestion
Contact me on Messenger

Ruby (Fighter)


Ruby - Nerf Is Invalid (Crowd Control OP)
"Ang pangpatay sa Hero, ay hero din."

Matumal ang benta nang herong 'to pero mabili sa Legend pataas, Pero ano nga ba ang kakayahan ni Ruby at pano' sya gumagana ?

Isa kase sa desire nang tao ang makakuha ng maraming kills dapat MVP, dahil sa rason na 'to, nababale wala ang herong katulad ni ruby... Madali lang naman gamitin 'tong champion na 'to, basta makuha mo lang tanggapin kung gano' kaliit ang bawas ng mga skill nya, pero panu' yun? edi bulok si ruby? Isang malaking mali... Si ruby yung tipo ng hero na sa Lifesteal masarap, Bawat skill nya may lifesteal para mas ma emphasize pa ang kalakasan nyang 'to, Idagdag mo yung item na "bloodlust".

Ngayon ang tanong pano' gamitin si Ruby ?
Unang-una,ang Spell -
Flicker, Sprint, Petrify... Kung ako ang pag pipiliin Sprint ang kunin mo, pero may sarisarili tayong desisyon nasa sayo yan, Kung petrify kase, sakto yan sa Ulti nya, Hook + Petrify... yun nga lang ang problema napaka liit ng syansa na maka hook ka ng apat kaya useless rin (Bonus Cons - Cooldown, Seconds of effect).

Pag Sprint naman, Isa ka nang dakila,
Si Ruby kase, Malakas sa crowd control, Twing sasapit ang clash palaging nandyan yan, Taga Set, Taga Kontra, at Taga Kontrol ng teamfight, napakalawak ng role nyan, Ibig sabihin mahalaga ang sprint para sakanya, pero kailan? Map Awareness at Roaming, Sumusuporta si Ruby sa bawat clash at gank, Maliban sa bilis nyang pag dalaw, napaka Kunti lang ng cooldown ng Sprint.

Sa Item naman -
First build :

  • Rapid boots
  • Bloodlust
  • Immortality (For psychological purposes)
  • sa tatlong slot, ikaw na ang bahala kung Tank o Damage item,

Pero dahil nagrerely si ruby sa passive skill nyang "Let's dance" Masamang Ideya ang Damage Item, pero gayunpaman epektib parin dahil pumapatong naman sa skill nya ang damage eh. At isa pa ang "Let's dance" nagmumukhang Evasion kaya panget rin ang Tank Item, ngayon kung Nagugulhan ka, Basahin mo nalang ang sitwasyon ng laro, Kung Medyo Lack kayo sa Tank na hero, alam mo na... Intindihin mo nalang ang kalagayan sa team fight... pwede ring yung Seven seas, Deadly blade, Scythe rin, basta nagcocontain ng HP at Damage effect.

Kung nagtataka kayo kung bakit More on Item or build 'tong post na 'to, kase napaka critical ang binubuo kapag isa kang crowd control.

Ngayon Paano ang combo nya ?
Laning -
Any lane except mid...
'pag early palang, I spam mo na ang First skill mo, sabay Let's dance palayo, Itama mo sa minions at kalaban, mga 100x mong gagawin nyan hanggang makadamage, Next pag nabuo mo na yung Bloodlust, Ready to gank ka na, Mag tawag o sumama sa mga susugod o mag iinitiate, Paunahin mo ang Charger sumugod, first skill ,let's dance palapit sabay 2nd...

Sa clash naman I analyze mo ang kalaban kung san naka Posisyon, pag nakita mo ang CC (Crowd control nila) o Damage dealer, Hook mo agad, Hindi rule na I hook mo ang tatlong kalaban, Ang laro ay I pinpoint mo kung sino ang Cause nang Magiging masamang epekto ng clash, Pag na hook mo na Let's Dance, Second skill sa Crowd, first skill , Second sa crowd ...

Ganyan ang stilo, Pero pano sa One one One? kaya nya bang pumatay mag isa, OO kaya nya, yun nga lang aabot ka ng 10 years bago mo mapatay ang kalaban, Pera biro kaya nya talagang pumaty mag isa... Ngayong alam mo na kung paano ang teknik, Bilhin mo na sya, kawawa eh Matumal sa Elite.
Hindi lahat ng hero mahina, may kanya-kanyang sarap yan.


If you want to ask a question/Suggestion
Contact me on Messenger

Diggie (Support)


Diggie -The Counter Set-
"If you can defend, Counter-attack and take the initiative then you become a more dangerous player."
- Jo Durie

Ano bang meron kay diggie na hindi alam ng karamihan? madalas binabale wala lang kase may mas mga magaganda pang hero, Medyo di pa ramdam ng iba, Pero san banda ba malakas si diggie?

Anti-Crowd Control sya guys, Ngayon naisip nyo nang napaka OP nya pala, kung titignan sa other side, kase kaya nyang I-immune ang tropa laban sa Setter or crowd control heroes tulad nila Akai, Ruby etc.) Ito yung feeling na sobrang nakakatihan o naiinis na mga fighter nyo lumaban kase palaging nadidisable sa clash pero biglang mawawala yan dahil kay diggie kumbaga Lifesaver yan pagdating sa teamfight...
Note : Sa mga may alam na nang mga sasabihin ko, wag ka nang pabida sa comment section.

Example :
"Tagal ko nang alam yan."
"Tara 5v5 nalang."
Nakakaqiqil talaga yung mga ganyang tao peste! NAKIKIBASA KA LANG MOKONG!

Ok, balik tayo kay Diggie,
San ba effective si diggie? Sang sitwasyon? Sang taktika?

Marami kaseng Strategy eh tulad ng 113/311, Igegeneralize ko nlang...
Early game I-spam mo nayang First skill mo at second, Napaka-liit lang ng mana cost nyan, kase dapat palagi mong ginagamit, lalo na pag trilane naku basag ulo nang mga kalaban nyo...

Pag trilane kase, ibig sabihin nyan Clash agad eh kaya napaka Effective talaga ni diggie pag dating sa ganyan, Sya lang yung support na may tulong talaga, hindi mo lang pansin kase wala kang Squad... Sa teamfight kase sya guys, Support role.

Ngayon, paano ba ineexecute ang Ulti nya twing nasa Sitwasyon na kayo na nakikipag Clash?

Simple lang, tulad ng sabi ko kanina, Anti-Setter sya o Anti-Crowd Control, Yung tipong Biglang tumalon si Akai sa inyo tapos nagsasayaw sayaw, o biglang tumalon si gatot sa inyo galing sa ere, o kaya nman Di kayo makapakali sa Ulti ni Aurora, Dyan nagiging OP si diggie sa pag support, lalo na kung may Fanny pa kayo, baka maka savage yan sa loob ng 3 secs, Syempre alam ko namang may utak rin kalaban nyo kaya naman I counter nyo rin pag iisip nila, adjust adjust lang at mahahanap mo rin ang tunay na sistema ng Teamfight.

Important Note:
Sa mga Support user dyan, Napakahalaga nyo sa mataas na antas ng laro, kaya naman wag kayong magsusupport kung nagsosolo lang kayo, pwede rin sa ranked kung may cooperation naman... Balik ako sa mga Pugong nagbabalak magcomment at mang bash, P*T*NG IN* NYO, DI KAYO MAHAL NANG NANAY NYO!


If you want to ask a question/Suggestion
Contact me on Messenger

Friday, December 15, 2017

Eudora (Mage)

Eudora -Teknik ng Mythic-
"Unreachable Is close to Invisible."

Madaming Beginner ang gustong gusto gumamit ng eudora pero dahil lang yun sa KDA. Masarap kase sa Feeling na maka-kill, at idag-dag mo pa ang Visual effects... Pero paano ba gamitin si Eudora ng tama? Isa lang ang paraan kung paano gumamit ng eudora, yun ay ang Trilane.
Ano nga ba ang Trilane? Ito yung isa sa basic fundamental sa MOBA, kung saan ay isa ring elemento ng teamwork... Ngayon ang trilane Ito yun yung tatlong hero na magsasama sa isang lane, Ito nga pala ang role na magandang magsama sa trilane, Assassin or Fighter/Tank, Mage, Tank. Ngayon balik tayo kay Eudora Sya yung makikirotate kasama ang 2 tank sa trilane, always dapat sa Turtle side kayo, Either top or bot yan.
-
Ngayon, Paano gumagana si Eudora? Ito yung Mala-daga kumilos sa trilane, palaging sa bush ang posisyon nyan kada mag ka-counterjungling kayo, sya kase ang damage dealer kaya napaka kritikal ang posisyon para sa kanya, pag mag ka counter jungling kase kayo, Aware na dapat kayo na may magaganap na Digmaan... Pero bakit si eudora pa, hindi sila aurora or other mage? Syempre Easy controls, low mechanics, at may dating.
Best Spell - Flicker : Panghabol, pang posisyon, at pangtakas, kailangan ni eudora ng ganyan kase hindi innate sa kanya ang mobility tulad ni harley o fanny, pero bawing bawi naman sa magic damage si eudora kaya yan nalang ang kulang.
Item : Ikaw kung san gusto mo makatulong...
kung sa DPS ba? o sa Burst damage o Movement speed.
Important Note :
Kailangan mo ng team, wag kang mag solo, kase mang mang ang iba sa 113, 311 o trilane.
Si eudora ang pinakaOP na mage kung nasundan mo nang tama ang tutorial na 'to, Kaya anong ginagawa mo pa? Volta !