"The art of pleasing is the art of decieving."
- Luc De Clapiers
Bakit nga ba mapanlinlang si Lolita? At bakit mas pabor ang iba bilhin si Lancelot at helcurt kaysa kay lolita na worth of 32kBP.
Iisa-isahin ko kung bakit nga ba nakakainis kalaban at napaka OP nya sa Crowd Control at mapanlinlang na stratehiya...
Unang-Una San ba banda magandang gamitin si Lolita?
Napakalawak, Isa na dyan kapag may hinahabol kayo, O tumatakas kayo sa Teamfight, at higit sa lahat ang pag Set ng clash.
Ngayon, bakit nga ba mapanlinlang sya?
Best Spell: Flicker
Bakit Flicker?
Lahat ng players pamilyar na sa ganitong taktika, yung tipong Ififlicker mo Ulti ni Odette, Ififlicker mo hook ni Franco para mas malayo, at syempre parehong prinsipyo yan kay lolita... Ulti + Flicker = Decieving Crowd Control
Pero Paano?
Ito yung sitwasyong Nagfifiesta na kayo sa Clash pagkatapos Biglang bebwelo si Lolita hawak ang mabigat na Martilyo, Meron kaseng Marka ang Ulti nya napa Triangle ang hugis bago nya I full cast para may stun, nagsisimbolo rin nyon na "Umalis ka sa markang 'to kundi madidisable ka." Pero ang kakaiba kay Lolita hindi lang yan ang meron sa marka kundi Mapanlinlang ang markang tatsulok. Kailan? Yun yung I fiflicker mo ang Ulti nya para Umabante o PumaSide, Mapapansin mong Bigla ang Epektong Damage at Stun ay nagiba ng posisyon, Ganyan yan. (Kala mo naka-move on ka na pero, hindi pa pala.)
Sa basic skills nman, tulad nga ng sabi ko kanina napaka-useful ni Lolita pag dating sa habulan at takasan, First skill nya amg binabanggit ko, Dash then Stun, may blink na, May stun pa... Tapos tungkol naman sa takasan, Mapapansin mong kaya nyang I absorve ang mga Range damage gamit yung shield nya (2nd skill) pagkatpos pwede nyang I cast pabalik sayo ang natanggap nyang damage galing sa Shield.
Sa Item naman -
Basic lang 'to,
- Rapid boots
- Athena's Shield
- Tsaka yung armor na may return damage
- Bahala ka na sa iba
Kung napapansin nyo, Simula nung rework nya, nabago ang trato sa kanya, bakit ganun? parang hindi pansin ng iba? Bakit Si Akai lang ang sikat? Hindi lang mapanlinlang ang nakikita natin tungkol sa pagkatao nya, kundi Mapanlinlang rin ang sarili nating pag-iisip, pero gayunpaman, dyan tayo masaya.
No comments:
Post a Comment