Monday, December 25, 2017

Fanny (Assassin)

Fanny - The Ultimate Realization and Guide - 
"Once you've commited, you will never get back."
- Dr. Robert Cialdini (From The Psychology of Persuasion)

First Time kong Ibuhos lahat ng effort at enerhiya ko para lang sa isang tutorial, kaya guys Dahil sa Over 8k views na ginawa nyo sa blog ko, para sa inyo 'to... At Isang paalala, Wag na wag nyong I cocopy paste 'tong Article na 'to without my permission, kase bawal yan guys, Pamilyar naman yata kayo sa COPYRIGHT LAW, pero kahit wala yan, Matuto kang magbigay Ng CREDITS at REFERENCE, wag yung ctto lang kundi may Reference (Ilink nyo mismo ang blog o isulat ang name ko) maliwanag?

- Basics -
Cable (Realization)
  • The Triangle Principle 

Ang 2 Cable, Ito yung pinaka-Key para magawa mo ang Iba't ibang Cable tricks, Like L and S o 3 or more cables. Bago mo magamit si Fanny kase, kailangan mo munang alamin ang Prinsipyo kung pano sya gumagana, at magsimula sa pinaka-una para handa ka na sa mas madugo pang Steps for example : Sa math, Kailangan mo munang aralin ang arithmetic means (Addition,Subtraction,Multiply,Division), pagkatapos magsisimula mo nang aralin ang Algebra, Geometry, Calculus, Statistics etc.) So ganyan yan guys...
Ngayong na Obserbahan mo na nang mabuti ang Image na nag Iimplicate sa Triangle Principle, Ito nman ang next,
Ang 3 Cable, O mas magandang sabihin na L way, Kung mapapansin mo sa mapa, Madaming L shapes dyan na daan, For example :

Isa pa -


3 Cable (Triangle Principle)
- How to Kill - 

Unang-una, ang "Prey Mark", Kung nakikita nyo dyan sa picture, o Eto nalang, 


Na aaply yan sa kalaban, pag nadaanan mo sila ng Cable mo, At nag iistack yan ng dalawang beses. Ngayon, pag nagawa mo yan, Mapapansin mong Lumaki ang damage ng Ulti ni Fanny, So basically guys, ang combo nya ay (2,2,3,1) at pwede nang kumitil ng buhay sa ganyang kaiksing oras... 

Pangalawa, Ang Spam tactic, Ito yung, Tatadtarin mo ng Cable ang kalaban sa pader, (2,2,2,2,2) 

Step 1 - I Navigate ang kalaban kung nasa tabi ng pader.
Step 2 - Mag Cable palapit sa kalaban, then Ikasa ang cable sa mukha nya sa tapat ng pader (2222) pero paano? 

Same principle ng tactic kay miya, Yung Back hit back hit back hit, Ngayon kay Fanny, Back Cable, Back cable, Sa mabilis na paraan. 

Pero Guys Na nerf na ang taktikang yan, Kapag na miss mo ang isang cable (Hindi tumama sa mukha ng kalaban) Ubos ang energy mo pramis, tapos ikaw ang mamamatay, dahil lalakad ka nalang pabalik o hihit kanalang sa kanya ng napipilitan, pero pero gayunpaman, Damage based na tayo pag dating sa taktikang yan, Mag aadjust tayo para magawa natin ang tactic na yan, Oo tama ka, Magiging effective ulit ang Spam Kapag nakabuo ka na nang Damage Item, Kase ganito ang mangyayari, (2 = 600damage) kahit tatlong beses mo lang I 2nd skill ang kalaban, Tulog na yan.

Sya nga pala, Hindi mabubuo ang mga yan na wala ang Item build.
(This is from Official Zxuan Youtube channel Description.)
May 3 main Items si Fanny sa Simula yun ay ang
  • Nimble Blade/Raptor Machete

  • BloodLust Axe

  • Rose Gold Meteor

Unang-una palang, Dapat Jungle Item na talaga yan si Fanny pero bakit? Para maka-ipon... Next Pag nabuo mo na ang BloodLust axe, pwede ka nang pumatay gaya ng sabi ko kanina, Kase magkakaroon ka ng 20% Spell vamp sa Item na 'to, Ibig kong sabihin kada Cable mo may dagdag na buhay, o sa madaling salita Nagla-lifesteal ka gamit ang skill mo, Kaya kahit makatanggap ka ng damage mula sa hit nila habang nagke-cable, Nagkakaroon ka naman ng buhay. Tapos ang Rose Meteor gold o Inupgrade na Magic Blade, Tataas ang survivality at durabilty mo habang nagke-cable cable nang pabalik-balik.

Syempre Bahala ka na sa Ibang Item, 
  • Deadly Blade

Pwede rin 'to para makamit mo ang potensyal ng isang Damage dealer.
  • Blade of Despair

"Mas Masakit, Mas Epektib."

  • Blade Armor or Athena's Shield
 


Depende naman sa Sitwasyon, Kung Mas maraming AD (Attack Damage), Blade armor ang item mo, Kung maraming AP (Ability Power), Go for Athena's Shield.

Pangatlo, 
Paano Pumatay sa Clash? 
Una mong gagawin, I-navigate mo kung may Disabler sa kalaban, Stun, Knockup...etc).
Syempre, Isa na dyan si Zilong, Franco, Nana, Saber... I take note mo ang ganyang mga kalban, Ngayon pag may nakalaban ka ngang ganyan, Mag quit ka na, Hahah joke... Ok, Isa sa mga pinaka-kailangan mong gawin ay ang Durability at Burst Damage, next dyan ang Timing, wag na wag kang Mauunang susugod or else wala pang isang segundo, Knock-out ka na.
Ngayon, ang durability, Lahat ng players alam na yata 'to, Ang Pag-Iipon, mamamaximize ang potensyal ng isang hero kapag may Gamit at nasa Pinaka-mataas na Gold, 


Mas malakas ang item, mas Matibay at masakit sa clash, Kaya kahit Accidentally kang na Disable, kaya mong tiisin, Then balik ulit sa pag Ke cable, 


At teka Isang napaka-kritikal na paalala, Dapat Palaging hawak mo ang Blue buff, kase Buff dependent yan si fanny, Madaling maubusan yan ng energy kapag walang buff, "Walang Buff, walang kwenta."

At panghuli, Paano mag-ipon ng todo,
Best spell - 


Retribution, No further Explanation kase Obvious naman.

Jungling -
Common sense na 'to guys, Pero ang hindi, ay yung Makukuha mo ang minions wave pagkatapos mo mag farm, 


Ayan ang picture, Gamit ang cable at Pose na yan, Then syempre I Cable mo pa isang beses dyan sa damuhan , Maaabot mo ang buong wave ng minions... Kaya guys Gamitin mo nyo lang ang cable, para mabilis kang mapunta sa destinasyon at para makuha mo ang buong gold ng mapa. 

Overall, Ang gagawin mo lang talaga ay, Mag Ipon sa simula, bumuo ng item, Pumatay kung may chance, Then mag savage pag ikaw na ang may pinaka malaking gold sa lahat, 12k compare to 5k gold ng iba.

Exit na ko guys, dahil kaya nyo nang mag eksperimento gamit ang mga karunungan na sinabi ko, As always Thank you at Merry Christmas sa lahat!

2 comments:

  1. Ano po yung mga mga magndang buoin na item para Kay Fanny? Yung specifics po. Salamat

    ReplyDelete