Thursday, December 21, 2017

Top 4 Unique Items

Top 4 Unique Items - Realization - 
"You see, but you do not observe."
-Sherlock Holmes


Isa sa mga Main feature ng Moba ay ang Item, Ito yung Nagbibigay ng buff sa bawat hero, Kung walang item, Walang kwenta ang Moba, kaya napaka-crucial nito guys, Ok simulan na natin.

Dahil Naka-Tagalog yung MLBB ko, pagpasensyahan nyo na yung mga names. 


In no particular Order :
(Atake)
Karit ng Kaagnasan 


Ang pangunahing atake mo ay mayroong 50% na tsansa na pabagalin ang target mong kalaban ng 35%.
Napaka-Epektib nito pag dating sa mga marksman champion tulad ni layla, Isa na dyan ang range kung bakit, Obvious naman di ba?, Pero bakit pangit sa melee ang Item na 'to? Masasayang lang kase ang slot mo dito, mas worth it na Kumuha ka nalang ng mga Pure damage build, kase meron namang Weaken spell Or just Ignore this item, Slow lang naman maganda dito at napakababa ng 35%. Pero gayunpaman, Maganda parin ang Karit ng kaagnasan kung nagswiswitch ka From Tank to Semi, kase hindi lang damage at slow ang Item na 'to kundi, plus 300HP pa.

(Salamangka)
-Kwintas ng Durance

Ang pinsalang nagagawa mo sa kalaban ay magkakaroon ng pagbawas sa regeneration ng 50% sa loob ng tatlong segundo. Sobrang Useful nito guys kapag Ipinartner sa attack Speed. Pero ang tanong, Hindi ba't Magic Item 'to? Oo, pero pwede rin Pumatong sa Physical damage, ayon sa description, Any damage, kase hindi naman naka-specific kung magic/Physical damage lang ang pwede, di tulad ng ibang item na Pang Magic damage lang talaga ang epekto.

(Depensa)
-Yelo ng pangingibabaw

Ang epekto nito ay bumabawas sa kalaban ng 5% sa galaw, at 30% sa bilis ng atake. Ito naman ang magandang I-aytem sa Tank, Pero Optional lamang 'to, Depende sa sitwasyon kung maraming Hitter, Pero di na masama kase may tulong ka sa team bilang support lang.

(Paggalaw)
- Pangsalamangkerong bota

Nagbibigay ng 80 na ginto kapag naka-tanggap ng assist.
Update - Na-nerf na, From 80gold to 50gold nalang. Magandang Gawing item 'to kay Ruby, Chou o sa mga Support bilang Crowd control lang naman sila magaling, Kailangan rin kase nilang humabol sa item kahit papaano.
So, guys... Ngayong naintindihan nyo na ang apat na item na yan, Simulan nyo nang intindihin ang bawat Item, wag balewalain, Di porket nakita mo na, ibig sabihin alam mo na. Wag kalimutan, Sa obserbasyon nanggagaling ang tunay na kaalaman.

No comments:

Post a Comment