True Story (Mobile legends: Survival)
Genre : Psychological, Thriller, Game
Plot : Isang pangkaraniwang Estudyante ang napadpad sa puno ng Misteryo at labanan na Daigdig. Nagising nalang si Reymond at Napunta sa ibang Mundo, na tinatawag na Mobile legends.
Prologue:
"Welcome to mobile legends!"
Pagkagising ko, may babaeng Nag-aanounce na parang presidente, dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, para tignan kung sinong sumisigaw, At teka Biglang nagiba ang Nakikita ko, wala ako sa bahay, nagtataka ako kung anong nangyayari, Parang nasa Vigan ako, at napabulong ako sa sarili ko "Anong ginagawa ko dito?" Teka andaming chix, Napasipol nalang ako nang hindi inaakala, At para mas malakas pa ang magagawa kong sipol, naisip kong gamitin ang kamay ko At pagkaangat ko ng mga daliri ko papunta sa bunganga ko, Gulat kong nasabi "Bakit biglang lumaki ang mga muscles ko?"
Kinakabahan ako sa mga nangyayari, kaya para makasiguro, Lumakad ako papunta sa Ilog para magsalamin, kakaiba ang lugar na 'to, Parang gubat, tapos anlalaki ng damo... at sa pagkalipas nang ilang minuto, sa wakas nakarating na ko sa ilog , Dahan dahan kong sinilip ang pagmumukha ko... Pagkapatak ng pawis ko sa Lupa, napalunok ako at sumigaw sa gulat
"WaaaaAAAAHHH!" " bakit mukha akong halimaw?", medyo napapaluha na ko at naliligo ng pawis na parang nahuli ni papa sa Cr, at sa sandali lang may Naririnig akong tunog "Psst" "Psst" Parang may multong tumatawag sakin, Parang Naghahamon nang suntukan, "Psst" Psst" Palakas ng palakas yung pagtawag saken, Pinagpapawisan akong lumingon, Kakaiba ang nakita ko, "Teka Kinukuha na ko ni Lord, Masyado ba kong mabait?" Pagka Silip ko Kulay Bughay, Sinlaki ni junior kapag naka Titan gel, Dahan dahan kong tinitignan mula Paa hanggang sa ulo at kasunod nito parang may naririnig akong boses sa malayo "Balmond!" "Balmond!"
Dahan dahan kong naririnig na nag mumula sa bandang kaliwa nitong kagubatan na 'to, "Balmond!" parang dalaga ang tunog ng boses na tumatawag, medyo Hingal na hingal, at naririnig kong palapit na ang mga hakbang nya papunta rito saken, at napaisip ako, Sinong Balmond? Baka ako yung tinatawag, at Napatanong ako sa sarili ko "Teka Si Reymond ako, hindi si Balmond, Teka, anong nangyayari? at Sino kaya 'tong Bastos na babaeng 'to?"
- To be continued -
No comments:
Post a Comment