Saturday, December 16, 2017

Ruby (Fighter)


Ruby - Nerf Is Invalid (Crowd Control OP)
"Ang pangpatay sa Hero, ay hero din."

Matumal ang benta nang herong 'to pero mabili sa Legend pataas, Pero ano nga ba ang kakayahan ni Ruby at pano' sya gumagana ?

Isa kase sa desire nang tao ang makakuha ng maraming kills dapat MVP, dahil sa rason na 'to, nababale wala ang herong katulad ni ruby... Madali lang naman gamitin 'tong champion na 'to, basta makuha mo lang tanggapin kung gano' kaliit ang bawas ng mga skill nya, pero panu' yun? edi bulok si ruby? Isang malaking mali... Si ruby yung tipo ng hero na sa Lifesteal masarap, Bawat skill nya may lifesteal para mas ma emphasize pa ang kalakasan nyang 'to, Idagdag mo yung item na "bloodlust".

Ngayon ang tanong pano' gamitin si Ruby ?
Unang-una,ang Spell -
Flicker, Sprint, Petrify... Kung ako ang pag pipiliin Sprint ang kunin mo, pero may sarisarili tayong desisyon nasa sayo yan, Kung petrify kase, sakto yan sa Ulti nya, Hook + Petrify... yun nga lang ang problema napaka liit ng syansa na maka hook ka ng apat kaya useless rin (Bonus Cons - Cooldown, Seconds of effect).

Pag Sprint naman, Isa ka nang dakila,
Si Ruby kase, Malakas sa crowd control, Twing sasapit ang clash palaging nandyan yan, Taga Set, Taga Kontra, at Taga Kontrol ng teamfight, napakalawak ng role nyan, Ibig sabihin mahalaga ang sprint para sakanya, pero kailan? Map Awareness at Roaming, Sumusuporta si Ruby sa bawat clash at gank, Maliban sa bilis nyang pag dalaw, napaka Kunti lang ng cooldown ng Sprint.

Sa Item naman -
First build :

  • Rapid boots
  • Bloodlust
  • Immortality (For psychological purposes)
  • sa tatlong slot, ikaw na ang bahala kung Tank o Damage item,

Pero dahil nagrerely si ruby sa passive skill nyang "Let's dance" Masamang Ideya ang Damage Item, pero gayunpaman epektib parin dahil pumapatong naman sa skill nya ang damage eh. At isa pa ang "Let's dance" nagmumukhang Evasion kaya panget rin ang Tank Item, ngayon kung Nagugulhan ka, Basahin mo nalang ang sitwasyon ng laro, Kung Medyo Lack kayo sa Tank na hero, alam mo na... Intindihin mo nalang ang kalagayan sa team fight... pwede ring yung Seven seas, Deadly blade, Scythe rin, basta nagcocontain ng HP at Damage effect.

Kung nagtataka kayo kung bakit More on Item or build 'tong post na 'to, kase napaka critical ang binubuo kapag isa kang crowd control.

Ngayon Paano ang combo nya ?
Laning -
Any lane except mid...
'pag early palang, I spam mo na ang First skill mo, sabay Let's dance palayo, Itama mo sa minions at kalaban, mga 100x mong gagawin nyan hanggang makadamage, Next pag nabuo mo na yung Bloodlust, Ready to gank ka na, Mag tawag o sumama sa mga susugod o mag iinitiate, Paunahin mo ang Charger sumugod, first skill ,let's dance palapit sabay 2nd...

Sa clash naman I analyze mo ang kalaban kung san naka Posisyon, pag nakita mo ang CC (Crowd control nila) o Damage dealer, Hook mo agad, Hindi rule na I hook mo ang tatlong kalaban, Ang laro ay I pinpoint mo kung sino ang Cause nang Magiging masamang epekto ng clash, Pag na hook mo na Let's Dance, Second skill sa Crowd, first skill , Second sa crowd ...

Ganyan ang stilo, Pero pano sa One one One? kaya nya bang pumatay mag isa, OO kaya nya, yun nga lang aabot ka ng 10 years bago mo mapatay ang kalaban, Pera biro kaya nya talagang pumaty mag isa... Ngayong alam mo na kung paano ang teknik, Bilhin mo na sya, kawawa eh Matumal sa Elite.
Hindi lahat ng hero mahina, may kanya-kanyang sarap yan.


If you want to ask a question/Suggestion
Contact me on Messenger

No comments:

Post a Comment