The Evolution Of Strategy (Mobile legends Realization) #Top3
"Plan ahead, with great execution."
- Japanese Prime Minister Shinzo Abe
(With no Particular order)
#1 - All Mage, just one hitter -
(Op: Burst Damage)
Psychological Effect : Guard Down
Reality Effect : Anti - Fighter
Kahinaan : Hilda (Others with the same traits.)
Unang-una, Kailangan nyo nang 4 mage at isang MM (Marksman), Teka... Pero bakit wala namang Tank o fighter? At isa pa, Bakit MM? Ok, Guys, Ang goal nang Line up na 'to ay ang pakawalan ang isang potensyal na tinatawag na Burst damage, So Isa lang ang ibig sabihin nito, Ang rason kung bakit di na kailangan ng tank o fighter, Ay kaya na nang 4 mage Wasakin ang buong Team na naglalaman ng 2 to 3 Fighter or 2 Assassin + 1 fighter...
No need na nang Tank kase, Para lang ganito yun guys, Para kang magpapasabog ng isang Nuclear bomb sa Harapan nila, kaya ano pa ang kinalabasan? At ang sagot naman kung bakit may Extra MM, ang halaga ng role nito ay ang pag-Push (Napaka-Obvious naman di ba?). Ngayon, Pano' Naman Iexecute ang Stratehiyang ito?
Step 1 - 2 Mage sa Bot and Top Lane,
Tapos MM ang Mid.
Gamit ang 2 mage sa magkabilaan, kaya nitong Baugin ang kalaban sa kahit anomang oras.
Step 2 - 7 Mins All Mid. Makakatulong kung napush na nang MM ang mid.
Step 3 - End
Pero pano' kung May nag sesegway?, Split up then All mid ulit, Pano kung Namatay ang MM samin sa Huling clash? Retreat then Regroup... At isa pa Kung Na dominate na ang kalaban o Na Mobilize na ang Mid, pwede kayong mag Lord... Oo pramis, kaya ng Mage mag Lord.
Note: "Pag bobo MM, bobo lahat."
- Sya nga pala, Napaka-Ironic na Anti-fighter ang Strat na 'to, pero kahinaan si Hilda. -
#2 - Akai with Fighters -
(Op: Qiqil)
Psychological Effect : Stress
Reality Effect : Disable and Con. Damage at the same time.
Kahinaan : Saber (Others with the same traits.)
Nabuo ang stratehiyang ito, sa kadahilanang Nasasayang ng Mage O assassin ang Oras pag nag simula nang mag Ulti Si Akai... Kung Iisipin nyong mabuti Di ba't parang NapakaEpektib ng Fighter tuwing may nadidisable? Meron tayong Zilong para Ipaliwanag ang lahat. At Isa pa, Kapag tumatalsik ang kalaban, Kayang kaya ng Fighter makipag-sabayahan o habulin at tirisin ang mga tumatalsik na kalaban, Hindi tulad ng mage na may Average CD, tapos wala nang kwenta pag wala nang skill.
Ngayon, Pano' Iexecute? Basic lang, Usual laning and Gameplay.
Note : Wala akong Sinabing 4 Fighters.
#3 - The Ultimate Darkness -
(Op: Trahedya)
Psychological Effect : Confuse, Delayed Reaction Time
Reality Effect : Anti - Clash
So, Hindi naman talaga 'to Stratehiya, Mas mukhang taktika ang galawang 'to guys, Pero anyways, napaka-epektibo ng Galawang 'to, Pag dating sa Harvest time, Pero sa Oras ng teamfight... Unang-una Kailangang I-pick nyo si Pharsa at Helcurt. Ang combination key ay Dapat I-navigate mo kung Location at posisyon ng kalaban, Tignan mo kung may clash na magaganap then kung meron nga, I command mo si Helcurt para padilimin ang buong laro then Follow up Ulti ni Fasha, Matataranta ang kalaban nyo pramis at hindi na sila mag iengage, pero bakit? Kase guys kung Aatake sila, mas lalo silang madudurog, Ngayon kung Mag Ri-retreat sila, Kawawa sila sa Fighter, Nagkakaroon ng Dilemma at nawawala ang Desicion making sa loob ng ilang segundo.
- Important Note -
May kanya-kanyang kahinaan ang stratehiya pero pag naumpisahan mong I-counter ikaw parin ang tatawa sa bandang huli.
No comments:
Post a Comment