- The Psychology Of Mobile Legends -
"Character is who you are under pressure, not who you are when everything's fine."
Sa mga nagtataka kung bakit hindi sila nagrarank up, O na-sumpa sa tier nila, Akyat baba akyat baba yung laro tapos Ang pinaka-masakit pa ay yung palaglag ka na sa division (No star).
Ngayon, Ano ba ang nangyayari bakit hindi tayo maka-rank up? Hindi ba kayo nagtataka? Dun sa may mga Smurf/2nd account na Legend/Mythic sa katotohanan, hindi nata-traffic sa Pag rank up... Ibig sabihin nun, Nahasa na sila sa mga bawat games, Kaya hindi sikreto ang pag-rank up kundi napagdadaanan... Pero ano nga ba ang dahilan kung paano sila natuto?
Isa lang naman talaga ang sagot sa lahat, Ang EMOSYON. Kung I-vivisualize natin kung ang tao ay walang emosyon, Dati na tayong mayaman, Dati na tayong Successful, Dati na tayong Mythic, Kase Kalkulado natin ang lahat, Walang Instinct, Walang Perception, Walang Biased Judgement... Hindi ba't Computer o robot lang ang ganito? hahaha Tama ka, Pero meron tayong tinatawag na Amygdala (Shown to play a key role in the processsing of emotions, the amygdala forms part of the limbic system.) na kaya nating I hold ang Emosyon pagkatapos ng 6 secs, at makabalik sa Rasyonal na pag iisip, o Hindi Isip batang pag iisip. Madalas Kung bakit tayo nagiging Vovo player, Bano, Bugok, Kase di natin Hinohold ang emosyon, At pinapakawala natin.
For Example :
Ang ka-greedihan -
Yung Feeling na nakakita kalang ng Low HP sa turret, susugudin mo na.
Nawawala ang Facts na, Mas maraming gold na makukuha ang kalaban dahil meron kang streak, Isa pa, kahit naman mapatay mo yun, eh patay karin naman, (Syempre baka makasurvive kapa, Pero Napaka-RISKY pre.) At ang Kinalabasan Pantay lang nman, Parang Chess lang yan eh, Pag kinain mo yung Pawn, kakain karin ng pawn, Sacrifice pero both lang naman ang resulta at walang mawawala.
Ang Pinupunto ko, Isipin mo muna ang bawat galaw mo, kase merong mga consequences yan. Kung Umapoy ang emosyon mo, Pigilan mo agad kase meron tayong abilidad para pigilan yan.
Pwede tayong matuto sa karanasan pero pwede rin naman sa rason lamang, Matagal na ata 'tong debate sa Philosophy (Rationalism Vs. Empiricism). Nakalimutan ko kung sinong philosopher yung nagsanib ng dalawang konsepto na yan, Basically, Matuto at magrason...
Kada Laban mo, Alamin mo ang mga bawat pagkakamaling nagagawa mo, Wag na wag mong I ignore yan.
Lastly, Kapag nasa Sitwasyon ka na na lahat nag iisip ng tama sa laro mo, Maghanap ka na nang squad. Pero gayunpaman, I enjoy mo ang tabla tabla na score at mainit na laban.
No comments:
Post a Comment