Wednesday, December 20, 2017

Helcurt (Assassin)


Helcurt - Layla na gumagapang -
(The Complete Realization)
"Take note of what’s around you. Take note of how or why it affects you, you’d be surprised at the difference it can make to the quality of your life and your decisions."
From Bigthink.com

Paano ba gamitin si Helcurt na ayon sa Skills at traits nya?
Si Helcurt kase yung may Innate skill na kayang takpan ang sense mo, kaya nyang apektuhan ang map awareness ng isang tao. Pero ano ba ang sense? Yan yung, You see, you hear etc.)
Ang Sense kase ng isang tao guys ay napaka-importante hindi lang sa moba kundi sa desisyon rin natin sa buhay, "To see it, To believe." ika nga. So paano pag nawala ang sense natin? Mawawala ang kakayahan nating mangolekta ng facts (Observation).

Base sa mga Katotohanang nilahad ko, Mapapa-isip kayo na, Tungkol pala sa Sense ang Ulti ni Helcurt. Pero kailan ba natin I eexecute ng tama ang Ulti ni Helcurt?
Bago yan, sasabihin ko muna ang isang Taktika kung kailan mawawala ang Obserbasyon ng bawat player, Lahat ng Split pusher alam na yata 'to...

Ito yung magpupush ka mag-isa habang yung apat na kakampi mo ay nakikipagclash. Tama guys, Ang Distraction, mawawala ang kakayahan ng isang tao magfocus sa obserbasyon kapag nadidistract. Ngayon, Meron na tayong dalawang taktika para mambulag, hindi lang pambulag sa mata mo, kundi pambulag rin ng isip.
Pero Paano nakakabulag ng sense ang Ulti ni Helcurt? Kung Moba player kayo alam nyo ang mga katagang



"FIRST BLOOD" "LEGENDARY" "--- Destroyed the turret."
Yan yung mga Indicator na may nangyari, Kung wala yan, hindi tayo makaka-buo ng Judgement kung ano ba talagang nangyari. Tama ka, Kaya ni helcurt Walain yan, Hindi ko alam kung Bug sa ML yan o hindi , pero gayunpaman, Sobrang epektib nyang taktika na yan guys, Pag walang Facts, Walang judgement, pag walang judgement, Walang Nangyari.

Nabubuo na ba sa Isip nyo kung paano ang strategy na tinutukoy ko? Kung hindi pa, Basahin nyo lang 'to...
Gamit ang distraction, wag ka munang Mag ulti, I clear mo lang ang wave ng minions, Ngayon pag natapos na ang distraction, Mag ULTI ka na, Then TURRET DOWN (Secured).

Isa pa, Meron yung, Moment na, Walang pake sayo yung kalaban habang pinupush mo yung 1st turret, kase Sa isip nila hindi big deal yang pinupush mo, saka lang sila gagawa ng aksyon pag nasa 2nd turret kana... Ngayon ang bubulagin mo yung aksyon nila, Pag Low HP na yung turret at pa down na,  MAG ULTI ka na, Para mawala yung Indicator o Balita na Napush mo na yung turret (Has destroyed the turret), So ibig sabihin nyan, magkakaroon ka ng chance na magpush ulit, Bale 2 turret ang na Destroy mo. Di ba ansaya?

Ngayon, Guide naman tayo kung paano gamitin si Helcurt habang di mo pa ginagamit ang planong yan.

So syempre,
Best Spell - Arrival

Bakit Arrival? Twing nakakakita ka ng chance para gawin ang plano mo, agad mong magagawa, Easy Map control, di ba?

Best Item,

- Magic Boots
- Deadly Blade

Gamit ang 10% CD reduction ng magic boots, ba baba ng 9 Secs ang CD ng Ulti ni helcurt, From 60 to 51secs, Make sense sa plano.

So, Paano sya sa laning at rotation?
Early Game -
Una palang dapat, alam mo na ang PLAY SAFE, at mga syansa kung kailan ka mag se-second skill,
Ito yung, Punuin mo yung Karmot indicator, Saka mo I cast sa kalaban, pag katapos back agad, O first skill pa balik sa turret mo.
Mid Game -
Farming, Habang wala pang syansa, Farm ka sa jungle, O maki-Gank muna,
Combo,  Hit ka muna ng jungle monster, pag napuno na indicator, Ulti, jump sa kalaban sabay Second, So yun lang... Wag mong kalimutan ang Plano, para matapos agad ang game.

Victory!


No comments:

Post a Comment